Love = Unconditional

Tags

,

I went to the office early this morning kahit na wala ako schedule. I talk to Ms. Anna of HR due to some issue that I raised to them which will I talk about when it’s already resolved. I don’t have driver so no choice ako but to commute. I was the last person so enter the jeep then I noticed this two guys the older guy was around early 40’s and the other feeling ko is around 20 or 22. Yung younger guy looks “balisa” aside from that napakamadungis pa nya and the older guy looks just fine. The whole time na nakasakay ako sa jeep I only noticed two things; Ang Higpit ng kapit nung younger guy dun sa older guy and the older guy was trying to protect the younger guy.

I was moved, During that moment I was assuming that the older guy is the father and the younger guy was his son. Then naisip ko na this is really LOVE the real LOVE; UNCONDITIONAL. Hindi nya iniisip ang opinyon ng iba o ng sasabihin ng iba, Ang sa kanya ay maprotekatahan ang kanyang minamahal sa napaka mapanghusgang mundo.

Dagat na Tuyo

Tags

,

Dumating sa punto ng buhay ko na wala ako ginawa kundi sumunod lang sa agod ng buhay. Marami akong ginawa na alam kung dapat kung pagsisihan. Ngunit sino nga ba naman ako. Isa lamang akong tao; nagkakamali, bumabangon, at sinusubukang itama ang pagkamamali. Narito ang isang tula na aking isinulat noong mga panahong ako ay nagiisa at walang ginawa kundi tumingkayad.

Image

Dagat na Tuyo

Sa isang gabing madilim ako’y nagsimulang maglakad.
Di alam ang tungo, di alam ang simula.
Nagparaya ako sa aking mga papa.
Mga paang lagalag ngunit walang napapala.

Nagsimulang maglayag sa dagat na tuyo.
Pumunta sa kanan, kumandirit sa kaliwa;
Nagtampisaw sa sanaw.
Hangang marating ang di tiyak na pook.
Mga isdang wala sa dagat, mga isdang may paa;

Ang iba ay sariwa ang iba ay bilasa.
Tumingi sa kaliwa, sumulyap sa kanan;
Wari’y nahuhumaling sa mga isdang naglipana.
Ako’y nagnais na makapag-uwi ng isda;

Pinisil-pisil, sinundot sundot.
Nang makatagpo nagsimulang kumandirit ang mga paa naliligaw.
Kumandirit, tumingkayad pabalik sa di alam na pinagmula.