Tags

,

Dumating sa punto ng buhay ko na wala ako ginawa kundi sumunod lang sa agod ng buhay. Marami akong ginawa na alam kung dapat kung pagsisihan. Ngunit sino nga ba naman ako. Isa lamang akong tao; nagkakamali, bumabangon, at sinusubukang itama ang pagkamamali. Narito ang isang tula na aking isinulat noong mga panahong ako ay nagiisa at walang ginawa kundi tumingkayad.

Image

Dagat na Tuyo

Sa isang gabing madilim ako’y nagsimulang maglakad.
Di alam ang tungo, di alam ang simula.
Nagparaya ako sa aking mga papa.
Mga paang lagalag ngunit walang napapala.

Nagsimulang maglayag sa dagat na tuyo.
Pumunta sa kanan, kumandirit sa kaliwa;
Nagtampisaw sa sanaw.
Hangang marating ang di tiyak na pook.
Mga isdang wala sa dagat, mga isdang may paa;

Ang iba ay sariwa ang iba ay bilasa.
Tumingi sa kaliwa, sumulyap sa kanan;
Wari’y nahuhumaling sa mga isdang naglipana.
Ako’y nagnais na makapag-uwi ng isda;

Pinisil-pisil, sinundot sundot.
Nang makatagpo nagsimulang kumandirit ang mga paa naliligaw.
Kumandirit, tumingkayad pabalik sa di alam na pinagmula.

 

Advertisements